Posts

Showing posts with the label Spoken Words

Tulog Is Life

Tulog is life. Pero masasabi mo pa ba yan Kung halos gabi-gabi ay dinadalaw ka Sa panaginip ng taong pilit na ipinapaalala Na hindi mo na ramdam ngayon Yung nararamdaman mo noon na saya, Na pag-asa, na mahal ka. Tulog is life pa rin ba? Baka hindi na. Sabay tayong magpuyat, Sabay nating pilitin ang sarili na maging mulat Para hindi na tayo dalawin sa panaginip gabi-gabi Ng taong pilit na pinapaalala Na hindi mo na ramdam ngayon Yung nararamdaman mo noon na saya, Na pag-asa, na mahal ka. Tulog is life? Baka naman pwede pa. Baka sa panaginip din bumalik Yung taong gusto mo na nasa panaginip Yung taong ibabalik ang kilig, Yung taong ipapaalala sa'yo ang naramdaman mo noon Yung saya, yung pag-asa, Yung mahal ka. Tulog is life, Pero gumising ka. Sa paggising mo araw-araw, Kahit binabagabag ka gabi-gabi, Ay mayroong isang tao na pilit ipaparamdam sa'yo Yung ipinaramdam nya sa'yo noon, Yung saya, yung pag-as...

Noon, Ngayon, Bukas

Image
Hundred Islands, Pangasinan Noon... Active na active ka sa buhay ko, Araw-araw magka-usap, magka-video, Gabi-gabi puyatan tayo. Ngayon... Active na active ka, pero hindi sa buhay ko, Araw-araw dine-deadma mo ako, parang "Who am I to you?" Gabi-gabi puyat ako sa paghihintay sa'yo. Bukas... Active na active ako sa buhay nya, Araw-araw kaming mag-uusap at masaya, Gabi-gabi sabay kaming matutulog dahil alam namin na bukas ay kami pa.

Ligaya

Image
Picnic Grove, Tagaytay City Mababaw lang ang kaligayahan ko, Makita ko lang yung green dot Sa tabi ng profile pic mo, solve na ako Isang like mo, isang heart, Isang care, isang laugh, Isa lang dyan, hindi na ako sad. Mababaw lang ang kaligayahan ko, Pero bakit ganun, bakit ganito? Isang like, isang heart, Isang care, isang laugh, Kahit alin dyan, still, I am sad. Sa bawat reaction, sa bawat comment at share mo, Sa araw-araw na view sa story ko, Nandun yung katotohanan na Sa babaw ng kaligayahan ko, Hindi naman ako ang kaligayahan mo.

Isang Tala

Image
Sa bilyong tala sa kalangitan Iisang tala ang sabay nating tiningnan Ang talang naging saksi sa ating sumpaan. Sa napakaraming gabi, sa napakaraming taon Ang talang iyon ang ating hanap para tumugon Kapag ang puso ay naghihinagpis, nagtatanong. Ang talang sabay nating tiningnan Ngayon ay hindi ko na makita sa kalangitan Nagtago, nawala, hindi ko alam ang dahilan. Ang tala na noon ay lagi nating minamasdan Ang kanyang tikas at ningning ay biglang naparam Simula nang tumingin ka sa kaliwa at ako sa kanan. Paalam.