Tulog Is Life

Tulog is life.
Pero masasabi mo pa ba yan
Kung halos gabi-gabi ay dinadalaw ka
Sa panaginip ng taong pilit na ipinapaalala
Na hindi mo na ramdam ngayon
Yung nararamdaman mo noon na saya,
Na pag-asa, na mahal ka.
Tulog is life pa rin ba?
Baka hindi na.
Sabay tayong magpuyat,
Sabay nating pilitin ang sarili na maging mulat
Para hindi na tayo dalawin sa panaginip gabi-gabi
Ng taong pilit na pinapaalala
Na hindi mo na ramdam ngayon
Yung nararamdaman mo noon na saya,
Na pag-asa, na mahal ka.
Tulog is life?
Baka naman pwede pa.
Baka sa panaginip din bumalik
Yung taong gusto mo na nasa panaginip
Yung taong ibabalik ang kilig,
Yung taong ipapaalala sa'yo ang naramdaman mo noon
Yung saya, yung pag-asa,
Yung mahal ka.
Tulog is life,
Pero gumising ka.
Sa paggising mo araw-araw,
Kahit binabagabag ka gabi-gabi,
Ay mayroong isang tao na pilit ipaparamdam sa'yo
Yung ipinaramdam nya sa'yo noon,
Yung saya, yung pag-asa,
Yung mahal ka.
Tulog is life,
Pero gumising ka na.

Comments

Popular posts from this blog

Goodbye September, Hello October

Random Clicks: SVD (Divine Word Seminary), Tagaytay City

50 Questions Challenge, Day 6: Do you believe you can have your cake and eat it, too?