Tulog Is Life
Tulog is life. Pero masasabi mo pa ba yan Kung halos gabi-gabi ay dinadalaw ka Sa panaginip ng taong pilit na ipinapaalala Na hindi mo na ramdam ngayon Yung nararamdaman mo noon na saya, Na pag-asa, na mahal ka. Tulog is life pa rin ba? Baka hindi na. Sabay tayong magpuyat, Sabay nating pilitin ang sarili na maging mulat Para hindi na tayo dalawin sa panaginip gabi-gabi Ng taong pilit na pinapaalala Na hindi mo na ramdam ngayon Yung nararamdaman mo noon na saya, Na pag-asa, na mahal ka. Tulog is life? Baka naman pwede pa. Baka sa panaginip din bumalik Yung taong gusto mo na nasa panaginip Yung taong ibabalik ang kilig, Yung taong ipapaalala sa'yo ang naramdaman mo noon Yung saya, yung pag-asa, Yung mahal ka. Tulog is life, Pero gumising ka. Sa paggising mo araw-araw, Kahit binabagabag ka gabi-gabi, Ay mayroong isang tao na pilit ipaparamdam sa'yo Yung ipinaramdam nya sa'yo noon, Yung saya, yung pag-as...