Ligaya
Picnic Grove, Tagaytay City |
Mababaw lang ang kaligayahan ko,
Makita ko lang yung green dot
Sa tabi ng profile pic mo, solve na ako
Isang like mo, isang heart,
Isang care, isang laugh,
Isa lang dyan, hindi na ako sad.
Mababaw lang ang kaligayahan ko,
Pero bakit ganun, bakit ganito?
Isang like, isang heart,
Isang care, isang laugh,
Kahit alin dyan, still, I am sad.
Sa bawat reaction, sa bawat comment at share mo,
Sa araw-araw na view sa story ko,
Nandun yung katotohanan na
Sa babaw ng kaligayahan ko,
Hindi naman ako ang kaligayahan mo.
Comments
Post a Comment
I know you have something to say about this post, good or bad, I thank you! Do come back soon, I always find time to answer your comments.
XOXO
JOANNE