Ligaya
Picnic Grove, Tagaytay City Mababaw lang ang kaligayahan ko, Makita ko lang yung green dot Sa tabi ng profile pic mo, solve na ako Isang like mo, isang heart, Isang care, isang laugh, Isa lang dyan, hindi na ako sad. Mababaw lang ang kaligayahan ko, Pero bakit ganun, bakit ganito? Isang like, isang heart, Isang care, isang laugh, Kahit alin dyan, still, I am sad. Sa bawat reaction, sa bawat comment at share mo, Sa araw-araw na view sa story ko, Nandun yung katotohanan na Sa babaw ng kaligayahan ko, Hindi naman ako ang kaligayahan mo.