Isang Tala


Sa bilyong tala sa kalangitan
Iisang tala ang sabay nating tiningnan
Ang talang naging saksi sa ating sumpaan.

Sa napakaraming gabi, sa napakaraming taon
Ang talang iyon ang ating hanap para tumugon
Kapag ang puso ay naghihinagpis, nagtatanong.

Ang talang sabay nating tiningnan
Ngayon ay hindi ko na makita sa kalangitan
Nagtago, nawala, hindi ko alam ang dahilan.

Ang tala na noon ay lagi nating minamasdan
Ang kanyang tikas at ningning ay biglang naparam
Simula nang tumingin ka sa kaliwa at ako sa kanan.
Paalam.

Comments

Popular posts from this blog

50 Questions Challenge, Day 27: Do you want to change your career?

Afternoon Jeepney Ride

World Invasion: Battle Los Angeles